|
|
 |
OPEN FIRE DISTANCE LEARNING---pagpapahusay sa buhay sa pamamagitan ng pagpapahusay sa wikang Ingles!
ANG MGA MAGAGANDANG pagkakataon ay kadalasang napupunta sa mga preparado at nakapaghanda sa buhay.
Sa ating mundo ngayon, ang mga "preparado at nakapaghanda sa buhay" ay hindi na lamang yung mga nakatapos sa kolehiyo o nakakuha ng titulo sa edukasyon.
Sa simple at payak na pananalita, ang ibig na ngayong ipakahulugan ng "preparado at nakapaghanda sa buhay" ay isang taong mahusay sa wikang Ingles, anuman ang kanyang naabot sa pag-aaral.
Ito ay dahil sa ang Ingles ay nanatiling siyang wika ng buong daigdig na ginagamit sa mga pagtuturo at sa komunikasyon.
Kung magsasalita ng Ingles ang isang tao, ang mga pintuan tungo sa magandang trabaho, kaaya-ayang buhay at pakikipagkapwa-tao, at matitinding mga posisyon sa iba't ibang larangan at antas ng buhay ay nabubuksan.
Dahil diyan, isa ng mahalagang gawa para sa lahat na maging bihasa sa Ingles, upang mapasok natin ang maraming mga pagkakataon sa pag-unlad sa buong mundo.
Ito ang siyang dahilan kung bakit ang mga grupo ng mga abogado, mga nagtuturo sa ating mga pamantasan at mga kolehiyo, at mga nagtuturo ng pananampalataya sa Diyos ay nagsama-sama upang alukin ang lahat ng Pilipino, lalo na yung mga nasa ibang bansa, upang sumailalim sa pagsasanay sa loob ng dalawang taon at makamit ang kahusayan sa pagsasalita at pagsusulat sa Ingles.
Itinatag ng grupong ito ang OPEN FIRE DISTANCE LEARNING, na ang ibig sabihin ay Open Philippine Education Network, Foundation for Internationally Relevant Education Inc.
Ang pagsasanay sa Ingles, na tatawaging English proficiency course, ay katatampukan ng English comprehension and understanding, English composition, and English writing.
Pagkatapos ng dalawang taon, layunin ng OPEN FIRE DISTANCE LEARNING na bigyang kapangyarihan ang sinumang sumailalim sa pagsasanay sa kanyang English proficiency course na gamiting ang wikang Ingles sa pagsasalita at pagsusulat.
Inaanyayahan, kung ganon, ang lahat ng mga Pilipino, lalo na yung mga nasa labas ng bansa at hindi pa nakakatapos ng kanilang kurso sa kolehiyo, na subukang sumasailalim sa aming English proficiency course.
Para sa iba pang impormasyon, paki-down load lamang ang sumusunod na form, at i-e-mail sa amin sa www.batasnews.com o sa
batasmauricio@yahoo.com: Para
sa English translation, i-click ito
I-download ang application form, sagutin ang mga tanong at ipadala sa
pamamagitan ng e-mail sa batasmauricio@yahoo.com.
Para ma-download, i-right click ang link
na ito at piliin ang Save Target As.
|