|
|
 |
August
28, 2008
Answered queries
Here are additional legal issues presented to us for resolution. You too can
send to us your legal queries to
batas@batasnews.com. Lawyers of BATAS, or the Buklod ng mga Abogadong
Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan, are giving the answers to these queries.
An unfaithful spouse can be sued civilly and criminally
QUESTION:Magandang gabi po Atty. Batas ako po may asawa pero lagi nya akong sinisisi sa mga nangyayari sa buhay nya...nagkamali daw sya pinakasalan nya ako. nung una may kabit sya tapos nalaman ko after 2yrs pa. mahal nya yung girl pero, pinuntahan ko yung pamilya ng girl kinausap ko mama nya. untill nagkahiwalay sila that was on 2002. ngayon kasalukuyan nahuli ko na naman may kabit sya at pinili nya ang kabit nya na naman nag-away kami at pinagtanggol nya ito...ginawa ko na makakaya ko minahal ko pamilya ko. pero siya lagi niya ako sabihan ng bad words..parang basura tingin nya sa akin..ang sakit ng mga salita nya, torture sa mind ko atty. ang kinakatakutan ko po baka bigla siyang mag-retire at mag-abroad sila nung kabit nya at wala ako makuha. may tatlo po kaming anak kinausap ko po yung kabit nya.ang sabi po nya hinde nya puwedeng layuan dahil magpapakamatay daw ang asawa ko...ano po ang maipapayo nyo sa akin..gulong gulo ng isip ko po. salamat po (iyogma.teresa@yahoo.com).
ANSWER: Salamat po sa email na ito. Nakikiramay po kami sa masaklap na kapalarang sinapit ninyo sa kamay ng inyong asawa. Alam po ninyo, gustong-gusto kong sabihan kayo na magpasensiya na lamang kayo, magpatawad kagaya ng pagpapatawad ng Diyos sa ating lahat sa ating mga kasalanan, ayon sa nakasulat sa Colosas 3:13 ng Bibliya. Pero, talaga namang kahit binabasa ko lamang ang sulat ninyo, damang-dama ko ang kahirapan ng inyong sitwasyon, ang pagdadalamhati ng inyong puso, at ang sakripisyong sinusuoong ninyo at ng inyong anak, sa kamay ng walang katinuang asawa ninyo. Dahil diyan, ang sasabihin ko sa inyo ay hanapin ninyo ang kasagutan sa inyong puso. Nakalaan pa din ba kayong magpatawad sa kabila ng mga abusong sinapit ninyo sa inyong asawa? Nakahanda pa din ba kayong makisama sa lalaking ito kahit na matindi na ang hirap na ipinapadama niya sa inyo? Kung ang sagot ninyo ay oo sa mga tanong na ito, ang payo sa inyo ay magtiis at magpasensiya at magpatawad, kagaya ng sinasabi ng Colosas 3:13. Pero kung ang sagot ninyo ay hindi, ayaw na ninyong magpatuloy sa pagdurusa, ang payo ko ay sampahan na ninyo ng kaso ang lalaki. Una ay ang kasong pagpapabalewala ng inyong kasal, sa ilalim ng Art. 36 ng Family Code (na nagsasabing ang isang asawa na hindi na nakakaganap sa kanyang mga tungkulin bilang isang asawa at bilang magulang ay maaari ng sampahan ng kasong annulment of marriage). Ang pangalawa sa kasong ito ay ang kasong adultery o concubinage, depende sa sitwasyon, bagamat maliwanag sa mga kasong ito na ang isang lalaki o babae na nakikipisan sa ibang lalaki at babae bilang asawa ay nakakagawa nga ng pakikiapid at pangangalunya. Finally, may karagdagang payo ako sa inyo: pray hard, it works. Sa kabilang dako, para sa karagdagang paglilinaw, o para sa sinumang nagnanais na humingi ng tulong sa amin, maaari po kayong tumawag sa amin sa aming mga landlines, (02) 994-68-05, 02-433-75-49 at 02-433-75-53, o di kaya ay sa aming mga cellphones, 0917-984-24-68 at 0919-609-64-89. Maaari din po kayong sumulat sa amin sa aming address: 18 D Mahiyain corner Mapagkawanggawa, Teachers Village, Diliman, Quezon City. O di kaya ay maaari kayong mag-email sa amin sa website na ito, www.batasnews.com, o batasmauricio@yahoo.com.
Verbal agreements have the same force and effect as a
written agreement
QUESTION: Magandang araw po Atty. Mauricio. Gusto ko po sana ihingi ng payo sa inyo ang tamang hakbang na dapat kong gawin sa isang taong may pagkakautang sa akin. Ako po ay hiniraman ng principal money ng aking dating kasama sa trabaho (Mr. A) na nagpapautang at ang kanya pong kinakasama (Ms. B) ang tumatayong secretary nya (sila po ang kasalukuyang nagma-manage ng canteen ng dati kong company) . May monthly percentage po akong natanggap sa kanila dati bilang kita ng perang hiniram nila sa akin. Atty., wala po kaming kasulatan o kontrata dahil maayos na kasosyo po and dati kong katrabaho. Nagsimula po ang problema ko ng biglaang mamatay si Mr. A at nakiusap po si Ms. B na siya ang magtutuloy ng transaksyon sa akin personally dahil nakalabas pa ang pera at kumikita din sya. Muli wala po kaming kasulatan dahil nag-assume po ako na mapagkakatiwalaan sya at patuloy naman po ang pagbibigay nya ng buwanang porsyento sa akin. Ang pera ko po at kasama pa ng ibang principal money na hiniram nila sa ilang pang mga tao ay naipinautang nila sa isang mataas na opisyal (Mr. C) ng aming company. Muli po isang di inaasahang trahedya ang nangyari at namatay sa aksidente ang banyagang opisyal (Mr. C). Nakapagdemand po si Ms. B sa company na mabayaran sya sa pagkakautang ni Mr. C sa kanila, subalit 50% lang ng kabuoang utang ang binayaran sa kanya ng company sa kadahilanang walang pormal na kasulatan, kontrata o dokumento na katibayang may utang si Mr. C maliban na lang po sa mga listahan ng pera na nailabas nya para kay Mr. C at mga taong pinanggalingan nito. Ang 50% pong bayad ng company ay hinati po sa mga principals na hiniraman nila, at naibigay naman po sa akin ni Ms. B ang 50% ng aking principal money at ang kalahati ay huhulughulugan nya bilang pangako. Pinagbiyan ko po sya ng halos taon upang makarecover sa mga gastos nya at paghandaan ang unti-unting pagbabayad sa akin. Nang imungkahi ko po na magkaroon kami ng promissory note ay hindi po sya pumayag, hindi daw po sya pipirma at ayaw nya ng ganon at binantaan ako na ide-deny ang utang sa akin. Nasabi din po na kung tutuusin pwede nyang hindi bayaran ako dahil patay na ang nangutang. Ako pa din po ang nagpakumbaba at umintindi kay Ms. B. 3 taon po ang nagdaan ngunit 19% pa lang ang naibayad nya sa akin sa natitira pa nyang utang. At nitong huling dalawang taon ay hindi po sya naghulog sa maraming kadahilanan. Malakas po ang kita nya sa canteen dahil sa isang libo mahigit ang factory workers at dalawang shifting ang trabaho. Libre po ang pag-okupa nya sa canteen ng company, libre ang tubig at kuryente simula ng sila ang mag-manage. 5 yrs na po si Ms. B sa pagma-manage ng canteen at di rin naman nya maitatanggi na kumikita sya dahil sa mga naandika nya. Nawawalan na po talaga ako ng pag-asa na babayaran nya pa ako katulad ng lagi nyang ipinangangako. Pero pakiramdam ko ay umaasa lang ako sa wala dahil wala namang effort kay Ms. B na umusad man lang sya sa pagbabayad at umiiwas pa syang puntahan ko upang harapan kaming mag-usap. Sa ngayon po ang tangi ko lang katibayan na may utang akong sinisingil sa kanya ay ang mga text messages nya. Ako po ba ay may paraan pang magagawa upang maging legal ang aming usapin sa pababayad? Kung meron po ay ano po ang tamang proseso sa ganitong kaso? O wala na po ba akong magagawa kundi sumunod na lang sa kung anong gustuhin ni Ms. B "ang hindi magbayad". Pauna po ang aking pasasalamat at umaasa po ako ng lubos sa inyong payo. Gumagalang, Katherine (milkvelando@yahoo.com).
ANSWER: Katherine, maraming salamat sa e-mail na ito. Sa ilalim ng Civil Code of the Philippines, ang isang kasunduan, kahit sa utang, ay maaaring nakasulat, at maaari din namang berbalan o sa salitaan lamang. May bisa pareho ang isang kasunduang nakasulat at ang kasunduang berbalan lamang. Maaaring maging batayan ng paghahabol ang kasunduang berbalan lamang pinasok, lalo na kung may mga ebidensiya at mga testigong magpapatunay sa kasunduan. Ang isa sa mga matitibay na ebidensiya ng pagkakaroon ng berbalang kasunduan ay ang mga pagkilos ng isang tao na kumikilala sa nasabing kasunduan, kagaya ng pagbabayad ng bahagi ng pagkakautang, o paggawa ng iba pang mga bagay na nagpapahiwatig ng pagkilala sa obligasyong pinasok ng berbalan lamang. Dahil diyan, aking ipapayo ang pagpupursigi ng paghahabol sa isang taong nakipagkasundo ng berbalan lamang. Mauumpisahan ang paghahabol na ito sa pamamagitan ng pagpapadala muna ng demand letter o sulat na humihiling sa nakautang na magbayad, o sa taong may obligasyon na gampanan na ang kanyang obligasyon. Sa sulat, dapat bigyan ang taong ito ng panahon upang magbayad o gumanap sa kanyang tungkulin. Kung lilipas ang panahong ibinigay sa kanya at hindi pa din siya nagbabayad o gumaganap sa kanyang obligasyon, maaari na siyang mademanda. Sa tanong na maaari bang tumanggi na sa pagbabayad ang isang taong sumagot lamang sa pagkakautang ng ibang tao na namatay na in the meantime, bagamat nagbayad na siya noong una matapos mamatay ang tunay na may utang, ang sagot dito ay hindi po, hindi na siya pupuwedeng tumanggi pa. Ang kanyang pag-ako ng obligasyong pagbabayad ng isang taong namatay na ay lumilikha ng isang berbalang kasunduan na dapat din niyang gampanan. Sa kabilang dako, para sa karagdagang paglilinaw, o para sa sinumang nagnanais na humingi ng tulong sa amin, maaari po kayong tumawag sa amin sa aming mga landlines, (02) 994-68-05, 02-433-75-49 at 02-433-75-53, o di kaya ay sa aming mga cellphones, 0917-984-24-68 at 0919-609-64-89. Maaari din po kayong sumulat sa amin sa aming address: 18 D Mahiyain corner Mapagkawanggawa, Teachers Village, Diliman, Quezon City. O di kaya ay maaari kayong mag-email sa amin sa website na ito, www.batasnews.com, o batasmauricio@yahoo.com.
Rules in graduating imposable penalties on convicted criminals explained
QUESTION: Dear Atty. Mauricio: Can you explain to us in a layman's language on Revised Penal Code Article 71? Thanks. Bro. Vir H. Lopez Prison Missionary Dapecol Based (dapministries@yahoo.com.ph).
ANSWER: Bro. Vir H. Lopez, Prison Missionary Dapecol Based, thank you very much for this e-mail. Art. 71 of the Revised Penal Code is a rule which only lawyers, judges and justices will ever appreciate, aside from people who have been sentenced to imprisonment by the courts. It is a rule of determining what penalty is to be imposed upon people who have been made accused in a crime where there are more than one accused---or, more specifically, where there is a principal accused and others accused as accessories or accomplices. In imposing penalties of imprisonment, those who have been convicted as a principal offender will have to be meted the highest penalty provided for by the law, while those who have been convicted as mere accessories or accomplices will be given lower penalties. A principal is a person without whom the crime could not have been committed, while accessories are those who know of a crime but, not having participated in its commission nevertheless profit from the offense, or conceal or destroy the evidence, or by harboring or concealing or assisting in the escape of the principal of the crime. Accomplices, on the other hand, are those who, not having directly participated in the commission of the offense, nevertheless cooperate in the execution of the offense by previous or simultaneous acts. In the meantime, if you have further questions or you have any legal problems, request for assistance or any other concern, you can call us at our landlines: 02-433-75-49 and 02-433-75-53, or through our cellular phones: 0917-984-24-68, and 0919-609-6489. You can also write to us at our address, 18 D Mahiyain corner Mapagkawanggawa, Teachers Village, Diliman, Quezon City, or send your e-mail at this site, www.batasnews.com, and batasmauricio@yahoo.com.
Innocent purchaser for value of any property is protected by law
QUESTION: Atty. Batas, may karapatan po ba kaming habulin yung naibentang lupa ng tiyuhin ko. Ibinenta po niya sa halagang P1,000.00 noong 1970s. Ngayon, yung binentahan niya ay ipinagbili ulit ang lupa ng halagang P50,000.00. May magagawa pa po ba kami? (09214776103).
ANSWER: Maraming salamat po sa inyong text message kay Atty. Batas. Depende po sa sitwasyon ang aking payo sa inyo dito. Kung maipapakitang ang lahat ng bumili ng lupa mula sa isang tao ay may nalalamang depekto sa karapatan ng nagbenta, ang bilihan ay maaaring mapabalewala ng mga tagapagmanang hindi nabigyan ng parte o nais maghabol. Ang dahilan, ayon sa Civil Code of the Philippines, ay ito: ang anumang bilihan na kung saan ang bumili ay may nalalamang depekto ng nagbenta ay hindi magkakaroon ng bisa kailanman. Sa kabilang dako, kung wala namang nalalamang depekto sa bilihan ang isang bumili ng lupa o iba pang ari-arian, ituturing ng batas na siya ay isang bumili ng walang nalalamang depekto sa bilihan. Ang tawag sa bumiling ito sa Ingles ay "innocent purchaser for value". Sa sitwasyong ito, ang bumili ay binibigyang-proteksiyon ng batas, at pinagbabawalan na ang sinuman na siya ay habulin pa sa ari-ariang kanyang nabili. Ang magiging tanging remedyo ng naghahabol ay habulin na lamang ang nagbenta ng walang karapatan, at sa kanya singilin ang biyayang dapat ay mapapunta sa naghahabol. Sa kabilang dako, para sa karagdagang paglilinaw, o para sa sinumang nagnanais na humingi ng tulong sa amin, maaari po kayong tumawag sa amin sa aming mga landlines, 02-433-75-49 at 02-433-75-53, o di kaya ay sa aming mga cellphones, 0917-984-24-68 at 0919-609-64-89. Maaari din po kayong sumulat sa amin sa aming address: 18 D Mahiyain corner Mapagkawanggawa, Teachers Village, Diliman, Quezon City. O di kaya ay maaari kayong mag-email sa amin sa website na ito, www.batasnews.com, o
batasmauricio@yahoo.com.
1987 Constitution orders speedy disposition of cases
QUESTION: Gud am po Atty. Batas. Ako po'y may gusto ding alamin galing sa inyo. Ito po ang katanungan ko. Ang civil case ay may order na at nakapag-file na din ng motion for execution. Gaano pa ba katagal ang hihintayin namin? Thank you very much, from Ralph of Patnongon, Antique (09092976299).
ANSWER: Ralph of Patnongon, Antique, maraming salamat sa text question ninyo kay Atty. Batas. Sa ilalim ng Section 16, Art. 3 ng 1987 Constitution, ang lahat ng may kaso sa hukuman o sa iba pang ahensiya ng pamahalaan ay may karapatang maging mabilis ang paglilitis sa kanilang mga kaso. Ang tawag dito ay "Constitutional right to speedy disposition of cases." Ang karapatang ito ay inilagay sa Saligang Batas mismo upang matigil na ang mabagal na pagkilos ng mga hukuman at mga ahensiya ng pamahalaan sa mga kaso ng mga mamamayan, na kadalasan ay nagiging dahilan ng maraming karahasan. Ang tanong ay ito: papaano isasakatuparan ang mabilis na paglilitis, o mabilis na pagdedesisyon sa kaso? Kailangang maging mabilis ang paglilitis, walang postponement na hindi naman makatarungan, at ang mga nagtutunggaling magkabilang panig ay dapat na pursigido sa paglalabas ng kani-kanilang mga katibayan. Kung tapos na ang magkabilang panig sa pagpapalabas ng kanilang mga ebidensiya sa hukuman, ang husgado ay mayroon lamang siyamnapung araw upang tapusin at ilabas ang kanyang desisyon. Kung hindi magagawa ng hukuman na ilabas ang kanyang desisyon sa loob ng panahong ito, kailangang humiling ito ng karagdagang panahon mula sa Korte Suprema. Kung hindi humiling ang hukom ng karagdagang panahon, at delayed ang kanyang desisyon, maaari siyang matanggal sa tungkulin. Ayaw na kasi ng Supreme Court na manatili sa Pilipinas ang kasabihang "justice delayed is justice denied." Sa kabilang dako, para sa karagdagang paglilinaw, o para sa sinumang nagnanais na humingi ng tulong sa amin, maaari po kayong tumawag sa amin sa aming mga landlines, 02-433-75-49 at 02-433-75-53, o di kaya ay sa aming mga cellphones, 0917-984-24-68 at 0919-609-64-89. Maaari din po kayong sumulat sa amin sa aming address: 18 D Mahiyain corner Mapagkawanggawa, Teachers Village, Diliman, Quezon City. O di kaya ay maaari kayong mag-email sa amin sa website na ito, www.batasnews.com, o batasmauricio@yahoo.com.
Filipino children being snatched to steal their internal organs?
QUESTION: Gud noon. Paki-publish naman po ito. Mayroon pong van, may plate number na ……… (ibinigay ang plate number, pero hindi namin ito ilalabas muna in the interest of fair play), kulay white, yan po ang nangunguha ng mga internal organs ng bata. Paki-forward po sa iba. Tnx po. Ito po ay text ng vice mayor ng isang bayan sa Batangas, hindi na po ito biro. Baka makita niyo ang van na yan. Please sacrifice, baka makatulong kayo sa mga bata na nawawala. Maraming salamat po (09194069818).
ANSWER: Salamat po sa impormasyong ito na ipinadaan sa text. Hindi na lamang po namin ipinorward ito sa text kundi minabuti naming mailabas ito sa aming website upang mabasa ito, hindi na lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. Sa kabilang dako, para sa karagdagang paglilinaw, o para sa sinumang nagnanais na humingi ng tulong sa amin, maaari po kayong tumawag sa amin sa aming mga landlines, 02-433-75-49 at 02-433-75-53, o di kaya ay sa aming mga cellphones, 0917-984-24-68 at 0919-609-64-89. Maaari din po kayong sumulat sa amin sa aming address: 18 D Mahiyain corner Mapagkawanggawa, Teachers Village, Diliman, Quezon City. O di kaya ay maaari kayong mag-email sa amin sa website na ito, www.batasnews.com, o batasmauricio@yahoo.com.
Marrying for the second time while first marriage is subsisting
constitutes bigamy
QUESTION: Gud am poh. Atty. may tanong lang poh. Pwd poh ba
magpakasal kaming 2 kahit po kasal siya sa una. Hihintayin ko po ung payo niyo
Atty. Salamat poh. (09183828807)
ANSWER:
Maraming salamat din sa text message na ito. Sa ilalim ng Family Code of the
Philippines, ang isang taong buhay pa ang unang kasal ay hindi pupuwedeng
magpakasal ng pangalawa o higit pa kahit kaninuman, dito sa Pilipinas o sa ibang
bansa. Nananatili ang bisa ng isang kasal kahit na hiwalay na ng matagal na
panahon ang ikinasal na mag-asawa. Ang tanging paraan upang makapagpakasal na
muli ang isang taong may nauna nang kasal ay ang kanyang pagsasampa ng kaso sa
mga hukuman upang mapawalang-bisa ang kanyang unang kasal. Kung kakatigan ng
hukuman ang kasong ito, at mababalewala ang kasal sa una ng isang tao, doon pa
lamang siya o ang kanyang dating asawa nagkakaroon ng karapatang magpakasal na
muli. Ang sinuman na magpapakasal ng pangalawa o higit pang beses gayong buhay
pa ang unang kasal at hindi pa ito napapawalang-bisa, ay ituturing na nakagawa
ng bigamya, isang krimen na may parusang pagkakabilanggo. Ang masakit sa kasong
bigamya, pati na ang taong pinakasalan ng pangalawang beses, bagamat ito ay
binata o dalaga pa, ay masasama sa kasong bigamya at nagkakaroon din ng
pananagutang kriminal. Dahil diyan, aking ipapayo ang puspusang pagpapabalewala
ng unang kasal sa pamamagitan ng kaso sa husgado upang mapayagan ang isang taong
may unang kasal na makapagpakasal na muli. Para sa karagdagang paglilinaw,
maaari po kayong tumawag sa amin sa aming mga landlines, 02-433-75-49 at
02-433-75-53, o di kaya ay sa aming mga cellphones, 0917-984-24-68 at
0919-609-64-89. Maaari din po kayong sumulat sa amin sa aming address: 18 D
Mahiyain corner Mapagkawanggawa, Teachers Village, Diliman, Quezon City. O di
kaya ay maaari kayong mag-email sa amin sa website na ito, www.batasnews.com, o
batasmauricio@yahoo.com.
Reactions? Questions? Please
send them to us here, and we promise to respond ASAP.
|