|
|
 |
August 28, 2008
TANONG AT SAGOT
JUDGE ANGELINA DOMINGO-MAURICIO (RET.)
Children of a foreigner-father who were born in RP under the 1935 Constitution are considered foreigners, too
QUESTION: Dear Atty Mauricio, good day po sa inyo Atty. nabasa ko na po yong sagot nyo sa mga tanong ko. ulitin ko lang po yong mga tanong ko at ang sitwasyon na inilapit ko po sa inyo. Lilinawin ko lang po. Ang father in law ko po ay chinese at ang Mother in law ko ay Filipino at mayron po silang 8 anak at isa po doon ang aking asawa at lahat po sila ay dito na isinilang, lumaki at nakapagasawa. lumitaw po sa NSO na ang Father at Mother in law ko ay kasal. ang Misis ko po ay ipinanganak ng June 20 1963. Filipino po ako at kasal kami ng asawa ko. ganito po ang nangyari. kumukuha po ng Passport ang Misis ko sa DFA at hinahanapan po siya ng papeles na nagpapatunay na siya ay Filipino. sa ganito pong sitwasyon hindi po ba maging filipino ang Misis ko gayong kasal naman kami at may dalawang anak. kung sakali pong chinese ang Misis ko sa ilalim ng ating batas kahit kasal kami, ano po ang dapat naming gawin at kung sino at saan kami lalapit upang makatulong po sa amin. salamat po. Umaasa muli ng inyong kasagutan. jojo uy ng pasay city (jsltuy3@yahoo.com).
ANSWER: Jojo Uy, maraming salamat sa iyong panibagong email na ito. Ang isang malaking problema sa kaso ng misis mo Jojo ay yung pagiging kasal ng kanyang mga magulang. Sa ilalim kasi ng Saligang Batas na umiiral noong isinilang ang misis mo---ang Saligang Batas ng 1935---maliwanag na ang ang mga anak ng isang lalaking foreigner sa kanyang pinakasalang Pilipina ay sumusunod sa citizenship ng amang banyaga. Ang dahilan ng ganitong alituntunin ay ito: ang Filipina na nagpakasal sa isang foreigner sa ilalim ng 1935 Constitution ay naaalis ang pagka-Filipina, at sumusunod sa citizenship ng kanyang napangasawang lalaking banyaga. At dahil nagiging foreigner din ang Filipina na kasal sa foreigner, pati na ang kanilang mga anak ay nagiging foreign citizens din, kahit na ipinanganak sila sa Pilipinas, dito sila lumaki, at nakapag-asawa din ng Filipino. Sa ngayon, bagamat ang isang babaeng foreigner o ibang babae na isinilang sa Pilipinas sa mga foreign parents ay nag—asawa ng Pilipino, nananatili pa din ang kanyang pagiging foreigner. Kung nais ng babaeng foreigner o ibang babaeng isinilang sa Pilipinas sa mga foreign parents na maging Filipino citizen, kailangan niyang magsampa ng kaso sa kaukulang hukuman upang makuha ang kanyang Filipino citizenship. Sa kabilang dako, para sa karagdagang paglilinaw, o para sa sinumang nagnanais na humingi ng tulong sa amin, maaari po kayong tumawag sa amin sa aming mga landlines, (02) 994-68-05, 02-433-75-49 at 02-433-75-53, o di kaya ay sa aming mga cellphones, 0917-984-24-68 at 0919-609-64-89. Maaari din po kayong sumulat sa amin sa aming address: 18 D Mahiyain corner Mapagkawanggawa, Teachers Village, Diliman, Quezon City. O di kaya ay maaari kayong mag-email sa amin sa website na ito, www.batasnews.com, o batasmauricio@yahoo.com.
BATAS Party List members can now report any wrong-doing or any problem to BATAS for immediate action
QUESTION: Gud day po attorney, gusto ko po sanang maging member ng inyong
batas party list... i am WILLIE B. PANGILINAN of # 37 TALAMPAS, BUSTOS, BULACAN. ako po ay isang seaman at on board po ako ngaun, mabuti n lng po ung bagong sampa d2 ay my dalang dyaryo at nkita ko ung email add nyo matagal ko n
po talagang gustong magpa-member lagi ko nga kyong pinanonood sa tv tuwing
hapon basta nasa bakasyon rin lng ako... e2 po ang aking cel no. +639192115039.. SALAMAT PO..... (mbgcrew.ZDGW5@globeemail.com).
ANSWER: Willie B. Pangilinan of No. 37 Talampas, Bustos, Bulacan, maraming salamat po sa email na ito. Ang aming panalangin ay samahan nawa kayo ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga anghel sa inyong paglalayag sa dagat, maluwalhati nawa ninyong magampanan ang inyong mga tungkulin, ligtas sa kapahamakan at mga tukso at masasamang balakin at isipin ninuman, at nawa’y samahan din ng mga anghel ng Diyos ang inyong mga mahal sa buhay sa bansa natin, at datnan ninyo silang buo pa din ang pagmamahalan at tiwala sa isa’t isa. Sa inyong kahilingang maging miyembro ng BATAS Party List (Bagong Alyansang Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan), malugod po namin kayong tinatanggap sa aming samahan. Tama po ang ginawa ninyo na inilagay na ninyo ang inyong buong pangalan, address at cellphone number sa iyong email sa amin. Kasapi ka na kaagad Kapatid sa BATAS. Ano ang biyayang makukuha ng isang kasapi ng BATAS? Una po ay ang pagkakaroon ng karapatang mailapit kaagad sa mga abogado ng BATAS ang inyong mga katanungan, problema o suliraning legal, o ng kahit anumang tulong na nais ninyong matugunan, ng wala kayong iniisip na babayaran. Tumawag, dumalaw o mag-email lamang po kayo sa amin sa sandali ng pangangailangan ng libreng konsultasyon sa batas at nakalaan po kaming maglingkod sa inyo. Pangalawa, magkakaroon na rin po kayo ng karapatang maisumbong ang mga katiwaliang inyong malalaman, makikita o masasaksihan, sa inyo diyan sa barko, o kahit saan man, sa atin sa BATAS upang tayo ay makakilos, maiparating sa kinauukulan ang problema, mabigyan ito ng solusyon, at maging matiwasay ang pamumuhay nating lahat. Sa kabilang dako, para sa karagdagang paglilinaw, o para sa sinumang nagnanais na humingi ng tulong sa amin, maaari po kayong tumawag sa amin sa aming mga landlines, (02) 994-68-05, 02-433-75-49 at 02-433-75-53, o di kaya ay sa aming mga cellphones, 0917-984-24-68 at 0919-609-64-89. Maaari din po kayong sumulat sa amin sa aming address: 18 D Mahiyain corner Mapagkawanggawa, Teachers Village, Diliman, Quezon City. O di kaya ay maaari kayong mag-email sa amin sa website na ito, www.batasnews.com, o batasmauricio@yahoo.com.
Marriages between men and women who are below 18 years of age
are null and void
QUESTION: Magandang gabi po, mayron lang po akong
gustong maliwanagan, ang kwento po ay ganito, ako po ay naikasal sa kapwa ko
menor de edad na 17 (lalaki) at 16 (babae), ngunit ang edad sa marriage
certificate ay minanipula para umabot ang aking edad sa 19 at ang babae naman ay
18, sa madaling-sabi naisagawa ang kasal, ang aking tunay na pangalan na rogelio
carlo ay naging rogelio lamang sa marriage contract, sa madaling salita ay
nagkahiwalay kami pagkaraan ng 2 linggo..makalipas ang 4 na taon nabalitaan ko
na nag-asawa ang babae at muling ikinasal. sa parte ko naman, nanatili akong mag
isa, hanggang sa lumipas ang 15 years ay dumulog ako sa isang abogado upang
mapawalang-bisa ang aming kasal ang ginawa ng abogado ay presumptive death at
nabigyan naman ng final decision ng korte, at ngayon naman ako ang nagpakasal ng
muli, ang tanong ko po ay tama po ba na ang ginawang dahilan ay presumptive
death at hinde null and void? gano po ba katagal ang proseso kapag nag file ng
null and void? kailangan pa po bang ideclara sa mga legal documents ko ang unang
kasal? Salamat po, sana po ay mabigyan nyo po ng katugunan ang aking mga
katanungan. More Power po!!!! Rogelio Carlo S. Lopez
(rogelio.lopez21@yahoo.com).
ANSWER: Rogelio Carlo S. Lopez, maraming salamat sa e-mail na ito. Sa
ilalim ng Family Code of the Philippines, ang isang kasal sa pagitan ng lalaki
na parehong mababa ang edad sa labing-walong taon ay walang bisa kailanman.
Ganundin, bale-wala at walang bisa ang kasal sa pagitan ng lalaki at babae kung
ang isa sa kanila ay mababa ang edad sa labingwalong taong gulang. Ito ay dahil
sa alituntunin sa Family Code na nagsasabi na ang pinakamababang edad ng
pagpapakasal sa Pilipinas ay labingwalong taong gulang. Ituturing kasing wala
pang kakayahang kumilos ang isang taong wala pang labingwalong taon, kaya kahit
anuman ang kanyang gawin, kasama na ang pagpakasal, ay hindi magkakaroon ng
bisa. Ganundin, ang anumang kasal na pinahintulutan ng mga magulang ng mga
ikakasal na wala pa sa disiotso anyos---o kung saan ang edad ay minanipula
lamang upang palitawing nasa wastong edad na ang mga ikakasal---ay wala ding
bisa. Sa ganitong sitwasyon, maaaring magsampa ng kaso ang isa sa mga ikinasal o
ang kani-kanilang mga magulang upang mabalewala ang kasal, at ang kaso ay
tatawaging petition for annulment of marriage o declaration of nullity of
marriage. Sa aking pananaw, hindi tama ang pagkakasampa ng kasong presumptive
death lamang, sapagkat ang presumptive death ay kakatigan lamang ng hukuman kung
talagang wala ng balita pa ukol sa isang asawang nawawala at hindi na nakikita
pa ng naiwanang asawa. Ganundin, ang presumptive death ay may bisa hanggang
hindi lumilitaw ang asawang nawawala. Sa sandaling lumitaw ang nawawalang asawa,
magkakaproblema na ang sitwasyon kasi maaaring matuloy na muli ang bisa ng
naunang kasal. Sa proseso ng annulment, depende na po sa nagdedemanda o sa
hukuman ang itatagal ng kaso. Sa isyu ng deklarasyon ng unang kasal sa mga legal
dokumento, ito po ay siyang itinatakda ng batas---kailangang nakasaad sa mga
dokumento ng isang tao ang tunay na katayuan niya sa buhay---may asawa ba siya o
wala. Sa kabilang dako, para sa karagdagang paglilinaw, o para sa sinumang
nagnanais na humingi ng tulong sa amin, maaari po kayong tumawag sa amin sa
aming mga landlines, 02-433-75-49 at 02-433-75-53, o di kaya ay sa aming mga
cellphones, 0917-984-24-68 at 0919-609-64-89. Maaari din po kayong sumulat sa
amin sa aming address: 18 D Mahiyain corner Mapagkawanggawa, Teachers Village,
Diliman, Quezon City. O di kaya ay maaari kayong mag-email sa amin sa website na
ito, www.batasnews.com, o batasmauricio@yahoo.com.
Decisions affecting company success and growth constitute
management prerogative and must generally be complied with
QUESTION: Good day Atty, Under stated was sent to me
requesting for your opinion. It would be a big help if you could enlighten them
before they could do any move that may cause them to regret in the end. Their
querry : tanong u lang sa kanya na kung pwede rin kaming mag pabayad, kasi nag
karoon ng expansyon ang company namin sa laguna at ang ibang tao na dinala don
ay nag pabayad na. pakitanong mo kung kami ba na naiwan dito sa cavite na
mahigit 10 years ng nag tratrabaho dito ay pwede ring mag pasama sa mga
babayarang tao kahit hindi kami ililipat ng laguna kasi ayaw na rin namin na mag
trabaho sa company na ito na lahat na lang ng benipisyo ay tinangal. Thanks and
looking forward to your utmost and favorable response. Best regards! Grace
Bocalan hon52796@yahoo.com
ANSWER: Grace Bocalan, maraming salamat sa e-mail na ito. Sa ilalim ng
Labor Code of the Philippines, maliwanag na ang management o kompanya ay may
karapatang maglipat ng kanyang mga manggagawa sa ibang lugar. Management
prerogative ang tawag dito sa karapatang ito ng management, at ito ay
nakasalalay sa paniniwalang mas nalalaman ng management ang mga dapat gawin
upang umunlad at hindi malugi ang kanilang negosyo. Dahil management
prerogative, kadalasan ay hindi maaaring kuwestiyunin ng manggagawa ang mga
desisyon na ito, lalo na kung hindi naman kakikitaan ng pagmamalabis o abuso sa
manggagawa ang mga desisyong ito. Kung sakali at hindi magugustuhan ng mga
manggagawa ang desisyon ng management, wala itong maaaring maging desisyon kung
hindi sundin ang desisyon o di kaya ay magbitiw na lamang sa tungkulin. Sa
kabilang dako, kung sa desisyon ng management ito ay nagbigay ng karapatan sa
mga manggagawa na hindi makakasunod sa mga panibagong alituntunin na mabayaran
na lamang, ang pagbabayad ay dapat isakatuparan sa lahat ng manggagawa, at hindi
pupuwedeng sa iilan lamang. Kung mayroong babayarang mga manggagawa, dapat lahat
at bayaran na, at kung mayroon mga hindi babayaran, ang mga ito ay maaaring
magsampa ng kaso sa husgado. Sa kabilang dako, para sa karagdagang paglilinaw, o
para sa sinumang nagnanais na humingi ng tulong sa amin, maaari po kayong
tumawag sa amin sa aming mga landlines, 02-433-75-49 at 02-433-75-53, o di kaya
ay sa aming mga cellphones, 0917-984-24-68 at 0919-609-64-89. Maaari din po
kayong sumulat sa amin sa aming address: 18 D Mahiyain corner Mapagkawanggawa,
Teachers Village, Diliman, Quezon City. O di kaya ay maaari kayong mag-email sa
amin sa website na ito, www.batasnews.com, o batasmauricio@yahoo.com.
Working long hours without complaints could favor an employee
QUESTION: Good day po Atty. Batas. i am an I.T. of the
company and im supposed to work only in company office, but my president the
owner of the company ask me to come his house to fix his computer and cabling,
and i agree of what he said and but on that day i was text him that i will not
able to come for the reason that i have...two times already i refuse him and
then the management gave me a DISCIPLINARY ACTION...and i wonder why????...and
base in my COMPANY CONTRACT and in JOB DESCRIPTION no stated that personal work
or out of the company ay kasama ko pa sa work! Di ba dapat for company office
lang ako? pero bakit ganun? please see attached file my DA...i need advise so
that i can defend myself. thank you very much.... GOD BLESS...Darloun Paredes
A., IT. Staff (alone@totalpackagingsolutions.com).
ANSWER: Darloun Paredes A., thank you very much for this e-mail. Indeed,
an employee in a company is obliged to perform and do his duties only insofar as
the company where he is employed is concerned. He is not supposed to be required
to do some other duties outside of what was agreed to be his work, in a place of
work outside of the company premises. Anything in excess of the agreed duties
and responsibilities would be unavailing, and the employee cannot be compelled
to do them. If the employee is required to perform jobs other than what he was
tasked to do when he was first engaged, then some form of extra compensation
must have to be provided to him. Otherwise, that would constitute a violation of
the employment contract, as well as specific provisions of the Labor Code of the
Philippines. Likewise, if the employee is required to work over and above the
agreed hours of work, or over and above the hours required by law, then he
should also be paid overtime pay. Again, if the overtime pay is not paid, the
company owners or officers could be held liable criminally. Be that as it may, I
am of the opinion that, in cases where the employee is being required to perform
additional jobs in the house of the company owners, it would be most prudent for
the employee to comply, without complaining and without thinking of additional
compensation. The reason is that, it is very difficult to find good jobs
nowadays, and keeping one’s job is really a blessing that everyone must
aspire for. Too, it is always nice to show to our superiors that we could be
relied upon to go the extra mile, so to speak, in discharging our duties and
responsibilities. If our employers can see that we are willing to work hard and
even put in long hours, without complaining, we should be able to reap more
rewards for ourselves. In the event of a crunch which may necessitate dismissing
some employees who can no longer be satisfactorily compensated by management, I
am sure that those who have displayed willingness to work over and beyond the
call of duty will be the ones who will be retained. In the meantime, if you have
further questions or you have any legal problems, request for assistance or any
other concern, you can call us at our landlines: 02-433-75-49 and 02-433-75-53,
or through our cellular phones: 0917-984-24-68, and 0919-609-6489. You can also
write to us at our address, 18 D Mahiyain corner Mapagkawanggawa, Teachers
Village, Diliman, Quezon City, or send your e-mail at this site,
www.batasnews.com, and batasmauricio@yahoo.com.
No one has the right to commit a crime against his fellow
human beings
QUESTION: Good Day! atty may itatanung po ako may
kapatid po ako sa probinsya na may anak na tatlo at hiwalay sya sa asawa dun po
sya nakatira sa bahay na aming kinalakihan na... Ang itatanung ko po ngayon kung
puede po ba idemanda ang kapatid ko na lalaki sa dhilang binugbog nya ang
nakababatang kapatid namin na may anak. Noong march 11, 2008 lang po nangyari
ang naging injury po ng kapatid ko ay namamaga ang mata at sumuka po sya ng dugo
na buo buo... Nagkaharap na po sila sa baranggay tama na po ba na dun na lang
ipablotter sa baranggay ano po ang magiging hatol nya kung sakaling idemanda
sya...bagong panaganak po ang king kapatid 3 months pa lang ang baby nya...sana
po mapayuhan nyo po kami... maraming salamat po at nagkaroon kayo ng email
add...jhoena_suarez@yahoo.com
ANSWER: Maraming salamat po sa e-mail na ito. Sa ilalim ng Revised Penal
Code of the Philippines, ang sinumang magbubuhat ng kamay sa ibang tao, ke
kamag-anak o hindi ang pinagbuhatan ng kamay, ay nagkakaroon ng pananagutang
sibil at kriminal. Sabi ng Art. 100 ng Revised Penal Code, every person
criminally liable is also civilly liable. Ang ibig sabihin ng batas na ito, ang
sinumang nakagawa ng krimen ay may pananagutang magbayad ng danyos perhuwisiyos
ng taong nagawan niya ng krimen, at mayroon din itong pananagutang kriminal na
magiging daan upang siya ay makulong. Dahil diyan, ipapayo ko po sa kahit kanino
na nagawan ng krimen na sampahan ng kaso ang mga taong nakagawa ng krimen. Ito
ay hindi na lamang upang mapaghigantihan ang gumawa ng krimen, kundi upang
mabigyan ng aral ang kriminal na hindi na siya dapat uulit pa sa kanyang
ginawang kasalanan. Ito ang layunin ng mga batas na umiiral, sapagkat mahalagang
napipigilan ang sinumang gumawa ng krimen laban sa kanilang kapwa o laban sa
bayan, upang maging maayos at matiwasay ang pamamahala sa isang lugar. Sa totoo
lang, walang karapatan ang sinumang tao, ke kamag-anak o hindi, na pagbuhatan ng
kamay ang sinuman. Sa kabilang dako, para sa karagdagang paglilinaw, o para sa
sinumang nagnanais na humingi ng tulong sa amin, maaari po kayong tumawag sa
amin sa aming mga landlines, 02-433-75-49 at 02-433-75-53, o di kaya ay sa aming
mga cellphones, 0917-984-24-68 at 0919-609-64-89. Maaari din po kayong sumulat
sa amin sa aming address: 18 D Mahiyain corner Mapagkawanggawa, Teachers
Village, Diliman, Quezon City. O di kaya ay maaari kayong mag-email sa amin sa
website na ito, www.batasnews.com, o batasmauricio@yahoo.com.
Separation in fact (or actual separation) of husbands and
wives will not invalidate their marriages
QUESTION: Magandang umaga po attorney batas may
katanungan lang po ako tungkol sa pinagkaiba ng legal separation sa annulment?
Sa ka po totoo po ba na pagmagkahiwalay na ang dating magasawa ng matagal dahil
nag abroad ay pwede na rin yung i consider as seperated or kelangan pa rin pong
dumaan sa legal na proseso? If for 3 years na walang communication sa asawa
dahil sa maraming ka dahilanan gaya ng di ko sya talaga mahal dahil bata pa kami
noon at saka pinilit lang ako napaksalan sya dahil buntis sya at nagdemanda ng
rape ang mga magulang nya kung di ko raw papakasalan ang anak nila ipakukulong
nila ako dahil may warrant of arrest na binigay sa akin kaya napilitan din akong
magpakasal. Ano po ba ang pinakamadaling paraan at proseso ang dpat kong gawin
para mapawalang bisa ang aming kasal sa huwes? Maraming salamat po...
robertmnst@yahoo.com
ANSWER: Maraming salamat po sa email na ito kay Atty. Batas. Sa ilalim ng
Family Code of the Philippines, ang legal separation ay paghihiwalay ng
mag-asawa ng kanilang tirahan, o yung tinatawag na de facto separation, o
aktuwal na paghihiwalay ng dati ay nagsasamang mag-asawa. Sa kabilang dako, ang
annulment of marriage ay ang pagtatapos ng relasyong mag-asawa batay sa kautusan
ng hukuman. Kung idedeklara ng hukuman na annulled ang kasal ng lalaki at babae,
ang ibig sabihin nito ay kinikilalang walang bisa ang kasal kailanman, mula sa
umpisa. Void ab initio, ika nga, ang kasal na idedeklarang annulled ng mga
Regional Trial Courts sa bansa. Sa ngayon, tanging ang mga Regional Trial Courts
lamang ang may karapatang magdeklarang null and void ang kasal. Sa kabilang
dako, kahit matagal ng hiwalay ang mag-asawa, hindi ito ituturing na legal
separation o annulment. Mananatiling may bisa ang kanilang kasal kahit hiwalay
na ang mag-asawa ng matagal na panahon. Sa mga nagnanais madeklarang null and
void ang kanilang mga kasal, kailangang kumuha ng abogado upang ang abogado ang
siyang magsasampa ng kaso ng pagpapabalewala sa kasal. Pagkatapos, kailangang
kumuha din siya ng isang psychologist, upang magsagawa ng pag-aaaral sa
mag-asawa, at alamin kung silang dalawa o ang isa sa kanila ay hindi na
makaganap sa kanilang mga tungkulin bilang mag-asawa. Sa kabilang dako, para sa
karagdagang paglilinaw, o para sa sinumang nagnanais na humingi ng tulong sa
amin, maaari po kayong tumawag sa amin sa aming mga landlines, 02-433-75-49 at
02-433-75-53, o di kaya ay sa aming mga cellphones, 0917-984-24-68 at
0919-609-64-89. Maaari din po kayong sumulat sa amin sa aming address: 18 D
Mahiyain corner Mapagkawanggawa, Teachers Village, Diliman, Quezon City. O di
kaya ay maaari kayong mag-email sa amin sa website na ito, www.batasnews.com, o
batasmauricio@yahoo.com.
A son or a daughter can compel his or her recognition as a
son or daughter while he or she is still alive
QUESTION:magandang hapon po atty. dalangin ko sa
MAYKAPAL na sana'y bigyan kayo ng mabuting kalusugan. narito na naman po ako at
may itatanong akong muli sa inyo, ako po ay anak sa pagkadalaga ng aking ina at
isinilang nuong 1946. nasabi ko na po sa inyo ito at may payo na po kayong legal
sa akin. ang itatanong ko po ngayon ay ito. sa dahilang patay na po ang aking
ama nuong 1992 at namatay na rin ang aking ina nuong 2004 na inilihim sa akin
ang pagkatao ng aking ama. nakarating na po ako sa lugar ng aking ama at
nakausap ko na ang kapatid ko na matanda sa akin (bale ako po ang bunso, matanda
siya sa akin ng 10yrs. ang sabi po niya ay puede akong patirahin sa lupa na
namana niya sa aming ama bale siya po ang nagmemaintain . pero hindi po sinsabi
na ibibigay sa kin, ngayon atty sa dahilang walang pirma ang birthcertificate ko
ng aking ama ano po aking gagawin kung ideny ng kapatid ko na anak nga ako ng
aming ama? yong sinundan ko po ay alam na ako ay kapatid pero ang ibang mga
kapatid niya ay may pagdududa. sana po ay matulungan ninyo ako sa bagay na ito/
marami pong salamat pagpalain kayo ng DIYOS sa inyong adhikain sa sambayanan
oneknight_2@yahoo.com
ANSWER: Maraming salamat po sa panibagong e-mail na ito sa amin. Sa
ilalim ng Family Code of the Philippines, ang isang anak ay binibigyan ng
karapatang habulin ang kanyang katayuan bilang anak ng isang tao habang siya,
ang anak, ay nabubuhay pa. Kakailanganin ng anak na magsampa ng kaso sa hukuman,
at sa kasong ito ay hihingin niya ang pagkilala na siya ay anak nga ng magulang
na hinahabol niya. Ang karapatang ito na magsampa ng kaso ay itinatakda ng batas
na magagamit ng anak kahit na patay na ang kanyang hinahabol na magulang. Sa
kasong kanyang isasampa, kailangang ipakita ng anak ang mga sumusunod na
katibayan ng pagkilala sa kanya bilang anak: birth certificate o iba pang record
of birth na makikita sa Local Civil Registry, o di kaya ay ang pag-amin ng
magulang na anak nga ang bata ng magulang, na makikita sa isang notaryadong
dokumento, o sa isang pribadong sulat na pirmado ng magulang. Kung wala ang mga
katibayang ito, maaari ding ipakita ng naghahabol na anak ang kanyang relasyon
sa magulang na hinahabol sa pamamagitan ng bukas at patuloy na pagkilala sa
kanya bilang anak ng hinahabol na magulang, o sa pamamagitan ng iba pang mga
kaparaanang itinatakda naman ng Rules of Court. Sa kabilang dako, para sa
karagdagang paglilinaw, o para sa sinumang nagnanais na humingi ng tulong sa
amin, maaari po kayong tumawag sa amin sa aming mga landlines, 02-433-75-49 at
02-433-75-53, o di kaya ay sa aming mga cellphones, 0917-984-24-68 at
0919-609-64-89. Maaari din po kayong sumulat sa amin sa aming address: 18 D
Mahiyain corNer Mapagkawanggawa, Teachers Village, Diliman, Quezon City. O di
kaya ay maaari kayong mag-email sa amin sa website na ito, www.batasnews.com, o
batasmauricio@yahoo.com.
When a parent refuses to recognize a child as his or her own,
the obligation to support is momentarily frozen
QUESTION: magandang umaga po Atty..last week po ay nagtanong
na aco tungkol sa habol ng ama sa anak kung hindi po kami kasal..tanong co lang
naano po kapag hindi kinilala ng ama nya ang magiging anak co?may batas po ba
para magkaron pa rin ang anak co ng karapatan para sa sustanto o kung anu man sa
kanyang ama..maraming salamat po.. bhaebes@yahoo.com
ANSWER:Babes, maraming salamat sa iyong panibagong e-mail sa amin. Sa
ilalim ng Family Code of the Philippines at ng iba pang mga batas may kinalaman
sa relasyon ng magulang sa anak, kondisyon ng batas na maituturing ang
pagkakaroon ng relasyon ng magulang sa nagsasabing anak nga siya. Kung may
kuwestiyon o duda sa pagiging mag-ama o mag-ina ng magulang at anak, maaaring
hindi mapilit ang magulang na gampanan ang kanyang mga obligasyong sa anak,
kasama na ang pagbibigay ng suporta at, kung sakaling namayapa na ang magulang,
pati na din ang pagbibigay ng mana sa anak. Sa ganitong sitwasyon, kailangang
patunayan ng anak na siya ay tunay ngang anak---ke anak na legal o anak sa
labas. Marami ang paraang itinatakda ng Family Code upang patunayan ng anak ang
kanyang pagiging anak. Kasama na dito ang pagpapakita ng birth certificate ng
anak na pirmado ng ama, o ng anumang dokumento na kung saan lumilitaw na
kinilala ng magulang ang anak, o ng iba pang mga bagay na nagpapakita ng
pagkilala ng ama sa bata. Ganoon din, maaaring magsampa ng kaso ang bata at
hingin ang tinatawag na DNA paternity test, o isang paraan ng pag-aaral ng mga
dugo at mga bahagi ng katawan ng isang magulang at ng bata, na kung
maipapakitang magkapareho sila ng nasabing mga dugo at mga bahagi ng katawan ay
ituturing ng batas na mag-ama o mag-ina nga ang magulang at ang bata. Ang
masakit nga lamang, kung kinukuwestiyon ng magulang ang kanyang relasyon sa
bata, hindi kara-karakang mapipilit ang magulang na magbigay na kaagad ng
suporta o iba pang biyaya para sa bata. Sa kabilang dako, para sa karagdagang
paglilinaw, o para sa sinumang nagnanais na humingi ng tulong sa amin, maaari po
kayong tumawag sa amin sa aming mga landlines, 02-433-75-49 at 02-433-75-53, o
di kaya ay sa aming mga cellphones, 0917-984-24-68 at 0919-609-64-89. Maaari din
po kayong sumulat sa amin sa aming address: 18 D Mahiyain corner
Mapagkawanggawa, Teachers Village, Diliman, Quezon City. O di kaya ay maaari
kayong mag-email sa amin sa website na ito, www.batasnews.com, o
batasmauricio@yahoo.com.
Employees voluntarily quitting employment not entitled to
separation pay
QUESTION: Magandang araw po sa inyo Atty. Batas Meron po
akong tanong tungkol sa company kung saan kami ngayon ay nagtratrabaho. Ito po
ay ibinenta sa
ibang company at ayon sa kanila kasama kaming mga empleyado sa deal. Tuloy po
lahat ng benefits pati tenure namin. Ang tanong po ng nakararami sa amin, kung
kami po ay may karapatang tumanggi sa bagong company? Kung sakali pong kami ay
tumanggi na lumipat sa bagong company kami po ba ay makakakuha ng
separation pay o severance pay sa aming company ngayon, lalu hindi naman kami
nagresign? Ayon po sa company namin, hindi raw kami makakakuha ng separation
pay. May nabasa po kaming article pero di po namin alam kung ito ay applicable
sa amin. Sana po ay bigyan nyo kami ng linaw dito bago po tuluyang malipat ang
buong company sa nakabili nito sa October 1, 2007. Maraming salamat po!
denvhelshem@yahoo.com
ANSWER: Maraming salamat po sa e-mail na ito. Sa ilalim ng Labor Code of
the Philippines, ang isang empleyadong kusang-loob na magbibitiw sa tungkulin ay
hindi babayaran ng anumang separation pay o retirement benefits, puwera na
lamang kung boluntaryo at kusang loob na gugustuhin ng kompanyang magbayad. Sa
sitwasyong ito, lilitaw na bagamat naibenta na ang kompanyang pinaglilingkuran
ng mga manggagawa, patuloy pa din ang operasyon nito at patuloy pa din ang
pagbibigay ng mga benepisyong dati ng tinatamasa nila sa dating employer. Kung
sakali at ayaw na ng mga manggagawang magpatuloy sa pagtatrabaho sa bagong
may-ari, wala namang pagbabawal kung sila ay aalis na doon, dangan nga lamang at
wala silang tatanggaping mga benepisyo. Para sa karagdagang paglilinaw, o para
sa sinumang nagnanais na humingi ng tulong sa amin, maaari po kayong tumawag sa
amin sa aming mga landlines, 02-433-75-49 at 02-433-75-53, o di kaya ay sa aming
mga cellphones, 0917-984-24-68 at 0919-609-64-89. Maaari din po kayong sumulat
sa amin sa aming address: 18 D Mahiyain corner Mapagkawanggawa, Teachers
Village, Diliman, Quezon City. O di kaya ay maaari kayong mag-email sa amin sa
website na ito, www.batasnews.com, o batasmauricio@yahoo.com.
|