PUBLISHERS

CONTACT INFO

ADVERTISING

SITE MAP

SECTIONS
Anak ng Diyos: Pagmamahal at pagkatakot sa Diyos!

SA MGA KAGULUHANG nangyayari sa ating bansa sa ngayon, marami ang nagsasabing wala na ngang pag-asa ang sambayanang Pilipino. 

Malakas magnakaw ang mga nasa gobyerno, lalo na ang mga namumuno. Patayan kaliwa't kanan ang nagaganap, at tila ba wala ng pagkatakot ang mga pumapatay, lalo pa't hindi naman sila nakukulong o nadedemanda man lamang.

Ang mga mag-asawa ay walang habas na sa pagtataksil sa isa't isa, samantalang ang mga anak naman ay lulong na sa bisyo at lumalaban na ng harapan sa kanilang mga magulang.

Marami sa ating mga kababayan ang tumatahimik na lamang kahit na sa mismong harapan na nila ginagawa ang krimen.

Ang mga lansangan natin ay punong-puno ng karahasan, at tila wala ng may kontrol sa sitwasyon.

Kung hindi mapipigilan ang lahat ng ito, patungo na talaga ang bansang Pilipinas sa kapariwaraan at pagkaduhagi.

Pero, paano nga ba natin pipigilan ang lahat ng ito? Kung walang kumikilos upang pigilan ang lahat ng kasamaang ito, may kaligtasan pa ba ang sambayanan?

Sa ganang amin, mayroon pa, subalit ito ay manggagaling, hindi sa tao, kundi sa Diyos.

Kailangang alamin natin kung ano ang utos ng Diyos, upang maalis ang sumpa at sakit na nakabalot sa ating bayan.

Ayon sa Banal na Aklat, sa II Cronica 7:14: Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ag aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad, akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.

Dahil dito, itinatag ang grupong "Anak ng Diyos", upang ilapit sa puso ng Pilipino, minsan pa, ang pagmamahal at pagkatakot sa Diyos. 

Naniniwala kami na magagawa natin ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya, at ito ay isinasagawa namin kada Sabado, alas 5 ng umaga.

Sa sinumang nais sumama o humiling ng panalangin, o magtanong ukol sa grupong ito, maaari po kayong tumawag sa 0917-984-24-68, at 0919-609-64-89.



© Copyright 2005. Owned and maintained by Visited Altars Media Corporation (VAMC).
All rights reserved.